Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Marcos 8:22-27

Marcos 8:22-27 ASD

Pagdating nila sa Betsaida, may mga taong nagdala ng isang lalaking bulag kay Hesus. Nagmakaawa sila na hipuin niya ang taong ito. Kaya inakay ni Hesus ang bulag at dinala sa labas ng bayan. Pagkatapos, dinuraan niya ang mga mata ng bulag, ipinatong ang kanyang kamay rito at saka nagtanong, “May nakikita ka na ba?” Tumingala ang lalaki at sinabi, “Nakakakita na po ako ng mga tao, pero para silang mga punongkahoy na lumalakad.” Kaya muling ipinatong ni Hesus ang mga kamay niya sa mata ng bulag. Pagkatapos, tumingin ulit ang lalaki at lumiwanag ang kanyang paningin. At nakakakita na siya. Bago siya pinauwi ni Hesus ay binilinan siya, “Huwag ka nang bumalik sa Betsaida.” Pagkatapos, pumunta si Hesus at ang mga alagad niya sa mga nayon ng Cesarea-Filipos. Habang naglalakad sila, tinanong ni Hesus ang mga alagad niya, “Sino raw ako ayon sa mga tao?”