Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Marcos 6:41-43

Marcos 6:41-43 ASND

Kinuha ni Jesus ang limang tinapay at dalawang isda. Tumingala siya sa langit at nagpasalamat sa Dios. Pagkatapos, hinati-hati niya ang tinapay at ibinigay sa mga tagasunod niya para ipamigay sa mga tao. Ganoon din ang ginawa niya sa isda. Kumain silang lahat at nabusog. Pagkatapos, tinipon nila ang natirang tinapay at isda, at nakapuno sila ng 12 basket.