Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Micas 6:9-15

Micas 6:9-15 ASND

Pakinggan ninyo ang sinasabi ng PANGINOON sa lungsod ng Jerusalem, dahil ang taong may takot sa kanya ang siyang may tunay na karunungan: “Kayong mga kabilang sa lahi ni Juda, magtipon-tipon kayo sa lungsod ng Jerusalem at makinig. Masasama kayong mamamayan! Hindi ko makakalimutan ang mga kayamanang natipon ninyo sa masamang paraan. Gumagamit kayo ng madayang takalan. Itoʼy gawaing aking kinasusuklaman. Hindi maaaring pabayaan ko na lang kayo sa mga pandaraya ninyo sa inyong timbangan. Malulupit ang mayayaman sa inyo, at mga sinungaling kayo. Kaya sinimulan kong lipulin kayo bilang parusa sa inyong mga kasalanan. Kakain kayo, pero hindi kayo mabubusog; patuloy kayong magugutom. Mag-iimpok kayo ng inyong mga ani, pero hindi ninyo ito mapapakinabangan, sapagkat ipapasamsam ko iyon sa inyong mga kaaway. Magtatanim kayo, pero hindi kayo ang aani. Magpipisa kayo ng mga olibo pero hindi kayo ang makikinabang sa langis nito. Magpipisa rin kayo ng bunga ng inyong mga ubas, pero hindi rin kayo ang iinom ng katas nito.

Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa Micas 6:9-15