Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mateo 6:12-15

Mateo 6:12-15 ASND

Patawarin nʼyo kami sa aming mga kasalanan, tulad ng pagpapatawad namin sa mga nagkasala sa amin. At huwag nʼyo kaming hayaang matukso kundi iligtas nʼyo po kami kay Satanas. [Sapagkat kayo ang Hari, ang Makapangyarihan at Dakilang Dios magpakailanman!]’ Kung pinapatawad ninyo ang mga taong nagkasala sa inyo, patatawarin din kayo ng inyong Amang nasa langit. Ngunit kung hindi ninyo sila pinapatawad, hindi rin kayo patatawarin ng inyong Ama.”