Nang makita ni Jesus ang napakaraming tao, umakyat siya sa bundok at naupo roon. Lumapit sa kanya ang mga tagasunod niya, at nagsimula siyang mangaral. Sinabi niya, “Mapalad ang mga taong inaaming nagkulang sila sa Dios, dahil makakasama sila sa kaharian ng Dios. Mapalad ang mga naghihinagpis, dahil aaliwin sila ng Dios. Mapalad ang mga mapagpakumbaba, dahil mamanahin nila ang mundo. Mapalad ang mga taong ang hangad ay matupad ang kalooban ng Dios, dahil tutulungan sila ng Dios na matupad iyon. Mapalad ang mga maawain, dahil kaaawaan din sila ng Dios, Mapalad ang mga taong may malinis na puso, dahil makikita nila ang Dios. Mapalad ang mga taong nagtataguyod ng kapayapaan, dahil tatawagin silang mga anak ng Dios. Mapalad ang mga dumaranas ng pag-uusig dahil sa pagsunod nila sa kalooban ng Dios, dahil makakasama sila sa kaharian ng Dios. “Mapalad kayo kung dahil sa pagsunod ninyo sa akin ay iniinsulto kayo, inuusig at pinaparatangan ng masama.
Basahin Mateo 5
Makinig sa Mateo 5
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: Mateo 5:1-11
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas