Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mateo 23:1-12

Mateo 23:1-12 ASD

Pagkatapos, nagsalita si Hesus sa mga tao at sa kanyang mga alagad. Sinabi niya, “Ang mga tagapagturo ng Kautusan at ang mga Pariseo ang kinikilalang tagapagpaliwanag ng Kautusan ni Moises. Kaya dapat ninyong pakinggan at sundin ang lahat ng itinuturo nila sa inyo. Ngunit huwag ninyong gayahin ang mga ginagawa nila dahil hindi nila ginagawa ang mga itinuturo nila. Ipinapatupad nila sa inyo ang napakabibigat nilang kautusan, ngunit sila mismo ay ayaw man lang kayong tulungan kahit na kaunti. “Ang lahat ng ginagawa nila ay pakitang-tao lang. Nilalakihan nila ang kanilang mga pilakterya at hinahabaan ang laylayan ng kanilang mga damit. Mahilig silang umupo sa mga upuang pandangal sa mga handaan at mga sinagoga. At gustong-gusto nilang batiin silaʼt igalang sa mga mataong lugar at tawaging ‘Guro’. “Ngunit huwag kayong magpatawag na ‘Guro’ dahil lahat kayoʼy magkakapatid at iisa lang ang inyong Guro. At huwag ninyong tawaging ‘Ama’ ang sinuman dito sa lupa, dahil iisa lang ang inyong Ama, ang Amang nasa langit. Huwag din kayong magpatawag na tagapagturo dahil iisa lang ang inyong Tagapagturo, walang iba kundi ang Mesias. Ang pinakadakila sa inyo ay dapat maging lingkod ninyo. Ang sinumang itinataas ang kanyang sarili ay ibababa ng Diyos, at ang nagpapakababa ay itataas ng Diyos.