Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Malakias 3:8-12

Malakias 3:8-12 ASND

Magtatanong din ako sa inyo, maaari bang nakawan ng tao ang Dios? Parang imposible. Pero ninanakawan ninyo ako. At itinatanong inyo, ‘Paano namin kayo ninanakawan?’ Ninanakawan ninyo ako dahil hindi ninyo ibinibigay ang inyong mga ikapu at mga handog. Iyan ang dahilan kung bakit ko isinumpa ang buong bansa. Pero ngayon, hinahamon ko kayo na subukan ninyo ako, ang PANGINOONG Makapangyarihan. Dalhin ninyo nang buo ang inyong mga ikapu sa bodega ng templo upang may pagkain sa aking templo. Kapag ginawa ninyo ito, padadalhan ko kayo ng ulan at ibubuhos ko ang sobra-sobrang pagpapala. Hindi ko papayagang sirain ng peste ang inyong mga pananim o malagas ang bunga ng inyong mga ubas. Tatawagin kayong mapalad ng lahat ng bansa, dahil napakabuting tirhan ang inyong lupain. Ako, ang PANGINOONG Makapangyarihan, ang nagsasabi nito.”

Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa Malakias 3:8-12

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya