Makinig kayo sa sinasabi ng PANGINOON ng mga Hukbo: “Ipapadala ko ang aking mensahero. Mauuna siya sa iyo upang ihanda ang dadaanan mo. At ang PANGINOON na inyong hinihintay ay biglang darating sa kanyang templo. Darating ang inyong pinakahihintay na sugo na magsasagawa ng aking kasunduan.” Ngunit sino ang makatatagal sa araw ng kanyang pagdating? Sino ang makakaharap sa kanya kapag nagpakita na siya? Sapagkat para siyang apoy na nagdadalisay ng bakal o parang sabon na nakakalinis. Kikilos siyang tulad ng tagapagdalisay ng pilak at susunugin niya ang dumi nito. Lilinisin niya ang mga paring Levita at dadalisayin niya sila tulad ng pagdalisay ng pilak at ginto, upang silaʼy maging mga taong nagdadala ng mga karapat-dapat na handog sa PANGINOON. Sa ganoon, muling malulugod ang PANGINOON sa mga handog ng mga taga-Juda at taga-Jerusalem, gaya ng dati.
Basahin Malakias 3
Makinig sa Malakias 3
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: Malakias 3:1-4
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas