Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Malakias 2:15-16

Malakias 2:15-16 ASND

Hindi baʼt pinag-isa kayo ng Dios sa katawan at sa espiritu para maging kanya? At bakit niya kayo pinag-isa? Sapagkat gusto niyang magkaroon kayo ng mga anak na makadios. Kaya siguraduhin ninyong hindi kayo magtataksil sa babaeng pinakasalan ninyo noong inyong kabataan. Sapagkat sinabi ng PANGINOON, ang Dios ng Israel, “Ayaw kong maghiwalay ang mag-asawa. Kung hiwalayan ng lalaki ang kanyang asawa, itoʼy pagmamalupit sa asawang babae.” Kaya siguraduhin ninyong hindi kayo magtataksil sa inyong asawa.

Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa Malakias 2:15-16