Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Lucas 23:50-52

Lucas 23:50-52 ASD

May isang lalaki roon na ang pangalan ay Jose. Siya ay taga-Arimatea na sakop ng Judea. Kahit na miyembro siya ng Sanhedrin, hindi niya sinang-ayunan ang kanilang ginawa kay Hesus. Mabuting tao siya, matuwid at kabilang sa mga naghihintay sa paghahari ng Diyos. Pumunta si Jose kay Pilato at hiningi ang bangkay ni Hesus.