May isang tao roon sa Jerusalem na ang pangalan ay Simeon. Matuwid siya, may takot sa Diyos, at sumasakanya ang Banal na Espiritu. Hinihintay niya ang pagdating ng Mesias na magliligtas sa Israel. Ipinahayag sa kanya ng Banal na Espiritu na hindi siya mamamatay hanggaʼt hindi niya nakikita ang Mesias na ipinangako ng Panginoon. Nang araw na iyon, sa patnubay ng Espiritu ay pumunta siya sa templo. At nang dalhin doon nina Maria at Jose ang sanggol na si Hesus para ihandog sa Panginoon ayon sa Kautusan, kinarga ito ni Simeon at nagpuri sa Diyos. Sinabi niya: “Ngayon, Panginoon, maaari na po akong pumanaw nang payapa dahil natupad na ang pangako nʼyo sa akin na inyong lingkod. Dahil nakita na ng aking mga mata ang Tagapagligtas, na inihanda ninyo para sa lahat ng tao. Siya ang ilaw na magbibigay-liwanag sa isipan ng mga Hentil na hindi nakakakilala sa inyo, at magbibigay-dangal sa inyong bayang Israel.” Namangha ang ama at ina ng sanggol sa mga sinabi ni Simeon tungkol sa kanilang anak. Binasbasan sila ni Simeon at sinabi niya kay Maria, “Tandaan mo: Itinalaga ang batang ito para ibagsak o iligtas ang marami sa Israel. Magiging tanda siya mula sa Diyos, ngunit marami ang magsasalita laban sa kanya.
Basahin Lucas 2
Makinig sa Lucas 2
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: Lucas 2:25-34
5 Mga Araw
Ang pinakamahalagang pangyayari sa kasaysayan ng mundo ay nang magkatawang-tao at manirahan sa atin si Jesus, ang Ilaw ng Sanlibutan. Ipinahayag ng mga anghel ang kanyang pagdating, may mga tulang naisulat, nagtakbuhan ang mga pastol, at si Maria ay umawit! Samahan ninyo kami sa limang araw na pag-aaral at pagkilala sa Kanyang liwanag—kung paano ito naging inspirasyon sa mga nakapaligid sa Kanya at ano ang epekto nito sa atin ngayon.
7 Araw
Sa susunod na limang araw, pag-aaralan natin ang regalo ng Diyos na na kay Hesukristo at ihahanda natin ang ating mga sarili para maging instrumento ng Diyos upang ipahayag at ibahagi sa iba ang pinakamahalagang regalong matatanggap nating lahat.
7 Days
Christmas is supposed to be a season of joy –– but what exactly is joy and how do you choose it when the world is filled with hurt and hardship? Discover what “joy to the world” really means by immersing yourself in the Christmas story with this special, 7-day Christmas Plan.
25 Days
Start a new Christmas tradition with a non-traditional twist on the season of Advent. An ideal start date for this adventure is December 1st, while an earlier start allows a more relaxed pace. Includes reflection questions and action steps to center each day on Christ. Great for individuals, families, or small groups.
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas