May isang tao roon sa Jerusalem na ang pangalan ay Simeon. Matuwid siya, may takot sa Dios, at sumasakanya ang Banal na Espiritu. Naghihintay siya sa pagdating ng haring magliligtas sa Israel. Ipinahayag sa kanya ng Banal na Espiritu na hindi siya mamamatay hanggaʼt hindi niya nakikita ang haring ipinangako ng Panginoon. Nang araw na iyon, sa patnubay ng Banal na Espiritu ay pumunta siya sa templo. At nang dalhin doon nina Maria at Jose si Jesus upang ihandog sa Panginoon ayon sa Kautusan, nakita ni Simeon ang sanggol. Kinarga niya ito at pinuri ang Dios. Sinabi niya: “Panginoon, maaari nʼyo na akong kunin na inyong lingkod, dahil natupad na ang pangako nʼyo sa akin. Mamamatay na ako nang mapayapa, dahil nakita na ng sarili kong mga mata ang Tagapagligtas, na inihanda ninyo para sa lahat ng tao. Siya ang magbibigay-liwanag sa isipan ng mga hindi Judio na hindi nakakakilala sa iyo, at magbibigay-karangalan sa inyong bayang Israel.” Namangha ang ama at ina ng sanggol sa sinabi ni Simeon tungkol sa sanggol. Binasbasan sila ni Simeon at sinabi niya kay Maria, “Ang batang itoʼy itinalaga upang itaas at ibagsak ang marami sa Israel. Magiging tanda siya mula sa Dios. Pero marami ang magsasalita ng laban sa kanya.
Basahin Lucas 2
Makinig sa Lucas 2
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: Lucas 2:25-34
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas