Nang malapit na sina Jesus sa Jerico, may isang lalaking bulag na nakaupo sa tabi ng daan at namamalimos. Nang marinig niya ang maraming taong nagdaraan, nagtanong siya kung ano ang nangyayari. Sinabi sa kanya ng mga tao, “Dumadaan si Jesus na taga-Nazaret.” Sumigaw ang bulag, “Jesus, Anak ni David, maawa po kayo sa akin!” Sinaway siya ng mga taong nasa unahan, pero lalo pa niyang nilakasan ang pagsigaw, “Anak ni David, maawa po kayo sa akin!”
Basahin Lucas 18
Makinig sa Lucas 18
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: Lucas 18:35-39
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas