Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Lucas 17:11-18

Lucas 17:11-18 ASND

Sa paglalakbay ni Jesus papuntang Jerusalem, dumaan siya sa hangganan ng Galilea at Samaria. Nang papasok na siya sa isang nayon, sinalubong siya ng sampung lalaking may malubhang sakit sa balat. Tumayo lang sila sa malayo at sumigaw kay Jesus, “Panginoong Jesus, maawa po kayo sa amin!” Nang makita sila ni Jesus, sinabi niya sa kanila, “Pumunta kayo sa mga pari at magpatingin sa kanila.” At habang naglalakad pa lang sila, luminis na ang kanilang balat. Nang makita ng isa sa kanila na magaling na siya, bumalik siya kay Jesus at nagsisigaw ng papuri sa Dios. Lumuhod siya sa harap ni Jesus at nagpasalamat sa kanya. Isa siyang Samaritano. Sinabi ni Jesus, “Hindi baʼt sampu ang pinagaling ko? Nasaan ang siyam? Bakit hindi bumalik ang iba upang magpuri sa Dios maliban sa taong ito na hindi Judio?”

Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa Lucas 17:11-18