Minsan, nananalangin si Hesus sa isang lugar. Pagkatapos niyang manalangin, sinabi sa kanya ng isa sa mga alagad niya, “Panginoon, turuan nʼyo po kaming manalangin, katulad ng ginawa ni Juan sa mga alagad niya.” Sinabi ni Hesus sa kanila, “Kapag nananalangin kayo, ganito ang sabihin ninyo: ‘Ama, sambahin nawa kayo ng mga tao. Nawaʼy magsimula na ang inyong paghahari. Bigyan nʼyo kami ng pagkain sa araw-araw. At patawarin nʼyo kami sa aming mga kasalanan, sapagkat pinapatawad din namin ang mga nagkakasala sa amin. At huwag nʼyo kaming hayaang matukso.’ ” Pagkatapos, sinabi niya sa kanila, “Halimbawa, pumunta kayo sa kaibigan ninyo isang hatinggabi at sinabi sa kanya, ‘Kaibigan, pahiram naman diyan ng tatlong tinapay. Dumating kasi ang isa kong kaibigan na galing sa paglalakbay at wala akong maihain sa kanya.’ Sasagot ang kaibigan mo mula sa loob ng bahay, ‘Huwag mo na akong istorbohin. Sarado na ang pinto at nakahiga na kami ng mga anak ko. Hindi na ako makakabangon pa para bigyan ka ng kailangan mo.’ Ang totoo, kahit ayaw niyang bumangon at magbigay sa inyo sa kabila ng inyong pagkakaibigan, babangon din siya at magbibigay ng kailangan ninyo dahil sa inyong pagpupumilit. “Kaya sinasabi ko sa inyo: Humingi kayo sa Diyos, at bibigyan niya kayo. Humanap kayo, at makakatagpo kayo. Kumatok kayo, at pagbubuksan kayo. Sapagkat ang sinumang humihingi ay nakakatanggap; ang naghahanap ay nakakatagpo; at ang kumakatok ay pinagbubuksan. “Kayong mga magulang, kung ang anak nʼyo ay humihingi ng isda, ahas ba ang ibibigay ninyo? At kung humihingi siya ng itlog, alakdan ba ang ibibigay ninyo?
Basahin Lucas 11
Makinig sa Lucas 11
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: Lucas 11:1-12
21 Days
Learn how best to pray, both from the prayers of the faithful and from the words of Jesus Himself. Find encouragement to keep taking your requests to God every day, with persistence and patience. Explore examples of empty, self righteous prayers, balanced against the pure prayers of those with clean hearts. Pray constantly.
27 Days
How we posture ourselves in the Christmas season makes all the difference in our experience of the miracle of the Advent. Be inspired to surrender to Jesus, refocus on Him, and embrace the grace of our King in this 4-week daily devotional as you move through five different postures: Eyes Fixed, Head Up, Knees Bent, Hands Open, and Arms Wide.
25 Days
Start a new Christmas tradition with a non-traditional twist on the season of Advent. An ideal start date for this adventure is December 1st, while an earlier start allows a more relaxed pace. Includes reflection questions and action steps to center each day on Christ. Great for individuals, families, or small groups.
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas