Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Leviticus 7:1-10

Leviticus 7:1-10 ASND

Ito ang mga tuntunin tungkol sa handog na pambayad ng kasalanan. Napakabanal ng handog na ito. Ang handog na pambayad ng kasalanan ay doon papatayin sa pinagpapatayan ng mga handog na sinusunog. At ang dugo nitoʼy iwiwisik sa paligid ng altar. Ang lahat ng taba nito ay ihahandog – ang matabang buntot, ang tabang bumabalot sa lamang-loob, ang mga bato at ang taba nito, pati na ang maliit na bahagi ng atay. Lahat ng itoʼy susunugin ng pari sa altar bilang handog sa PANGINOON sa pamamagitan ng apoy. Itoʼy handog na pambayad ng kasalanan. Ang matitira ay maaaring kainin ng mga anak na lalaki ng mga pari, pero dapat nila itong kainin doon sa banal na lugar dahil napakabanal nito. Iisa ang tuntunin sa handog sa paglilinis at sa handog na pambayad ng kasalanan. Ang karne sa mga handog na ito ay para sa paring naghandog nito. Ang balat naman ng hayop na inialay bilang handog na sinusunog ay para rin sa paring nag-alay nito. Ganoon din sa lahat ng handog na butil na inialay bilang handog na pagpaparangal sa PANGINOON, na niluto sa hurno o sa kawali. At ang lahat ng handog na pagpaparangal, may halo man itong langis o wala ay para na sa mga paring mula sa angkan ni Aaron at paghahati-hatian nila ito ng pantay-pantay.

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya