Ang ikasampung bahagi ng lahat ng ani ay sa PANGINOON. Kung tutubusin ng sinuman ang ikasampung bahagi ng kanyang ani, kinakailangan niyang bayaran ang halaga at dadagdagan pa ng 20 porsiyento ng halaga nito. Kung bibilangin ninyo ang inyong mga baka, tupa, o kambing, lahat ng ikasampung bahagi ay ibibigay ninyo sa PANGINOON. Hindi ninyo ito dapat piliin o palitan. Kung papalitan ninyo ito, ang inyong ipinalit na hayop at ang pinalitan nito ay parehong ilalaan sa PANGINOON na at hindi na maaaring tubusin. Ito ang mga utos na ibinigay ng PANGINOON kay Moises doon sa bundok ng Sinai para sa mga Israelita.
Basahin Leviticus 27
Makinig sa Leviticus 27
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: Leviticus 27:30-34
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas