Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Panaghoy 5

5
1 Panginoon, alalahanin nʼyo po ang nangyari sa amin. Masdan nʼyo ang dinanas naming kahihiyan. 2Kinuha ng mga dayuhan ang mga lupaʼt bahay namin. 3Naulila kami sa ama, kaya nabiyuda ang aming mga ina. 4Kinakailangang bayaran pa namin ang tubig na aming iniinom at ang kahoy na aming ipinanggagatong. 5Pinagtatrabaho kaming parang mga hayop at hindi man lang pinagpapahinga. 6Nagpasakop kami sa mga taga-Egipto at Asiria para magkaroon ng pagkain. 7Ang mga ninuno naming patay na ang nagkasala pero kami ngayon ang nagdurusa dahil sa kanilang kasalanan. 8Napailalim kami sa mga alipin at walang makapagligtas sa amin mula sa kanilang mga kamay. 9Sa paghahanap namin ng pagkain, nanganib ang aming mga buhay sa mga armadong tao sa disyerto. 10Nilalagnat kami dahil sa matinding gutom, at ang aming katawan ay kasing init ng pugon. 11Pinagsamantalahan ang mga asawa namin sa Jerusalem at ang mga anak naming babae sa mga bayan ng Juda. 12Ibinitin sa pamamagitan ng pagtali sa kamay ang aming mga tagapamahala at hindi iginalang ang aming matatanda. 13Ang aming mga kabataang lalaki ay parang aliping sapilitang pinagtrabaho sa mga gilingan at ang mga batang lalaki ay nagkandasuray-suray sa pagpasan ng mabibigat na kahoy. 14Ang matatanda ay hindi na umuupo sa mga pintuan ng lungsod para magbigay ng payo at ang mga kabataang lalaki ay hindi na tumutugtog ng musika. 15Wala na kaming kagalakan. Sa halip na magsayaw, nagdadalamhati kami. 16Wala na rin kaming karangalan. Nakakaawa kami dahil kami ay nagkasala. 17Dahil dito, nasasaktan ang aming damdamin at nagdidilim ang aming paningin. 18Dahil napakalungkot na ng Jerusalem at mga asong-gubat na lamang ang gumagala rito.
19O Panginoon, maghahari kayo magpakailanman. Ang inyong paghahari ay magpapatuloy sa lahat ng salinlahi. 20Bakit palagi nʼyo kaming kinakalimutan? Bakit kay tagal nʼyo kaming pinabayaan? 21Ibalik nʼyo kami sa inyo, at kami ay babalik. Ibalik nʼyo kami sa dati naming kalagayan. 22Talaga bang sobra na ang galit nʼyo sa amin kaya itinakwil nʼyo na kami?

Kasalukuyang Napili:

Panaghoy 5: ASND

Haylayt

Ibahagi

Kopyahin

None

Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in