Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Jonas 2:1-4

Jonas 2:1-4 ASND

Nanalangin si Jonas sa PANGINOON na kanyang Dios sa loob ng tiyan ng isda. Sinabi niya, “PANGINOON, sa paghihirap ng aking kalooban at kalagayan humingi po ako ng tulong sa inyo, at sinagot nʼyo ako. Sa bingit ng kamatayan, humingi ako ng tulong sa inyo, at pinakinggan nʼyo ako. Inihagis nʼyo ako sa pusod ng dagat. Napalibutan ako ng tubig at natabunan ng mga alon na ipinadala ninyo. Pinalayas nʼyo ako sa inyong presensya, pero umaasa pa rin akong makakalapit muli ako sa inyo roon sa inyong banal na templo.

Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa Jonas 2:1-4