Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Job 3:1-10

Job 3:1-10 ASND

Kinalaunan, nagsalita si Job at isinumpa niya ang araw na isinilang siya. Sinabi niya, “Isinusumpa ko ang araw na akoʼy ipinanganak. Naging madilim na lang sana ang araw na iyon at hindi na sinikatan ng araw. Kinalimutan na lang sana ng Dios sa langit ang araw na iyon. Nanatili na lang sana itong madilim o natatakpan ng makapal na ulap, at nilukuban na lang sana ng kadiliman ang kaliwanagan. Kinuha na lang sana ng kadiliman ang gabing iyon nang akoʼy isilang, at hindi na sana napabilang sa kalendaryo. Hindi na nga lang sana ako ipinanganak ng gabing iyon, at wala rin sanang kasayahan noon. Sumpain nawa ang gabing iyon ng mga manunumpa na alam kung paano pakilusin ang Leviatan. Hindi na sana sumikat ang tala sa umaga ng araw na iyon, at hindi na sana dumating ang bukang-liwayway. Isinusumpa ko ang araw na iyon dahil hindi niya pinigilan ang pagsilang sa akin, nang hindi ko na sana naranasan ang ganitong paghihirap.