Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Juan 9:1-4

Juan 9:1-4 ASND

Habang naglalakad si Jesus, may nakita siyang isang lalaki na ipinanganak na bulag. Tinanong si Jesus ng mga tagasunod niya, “Guro, sino po ba ang nagkasala at ipinanganak siyang bulag? Siya po ba o ang mga magulang niya?” Sumagot si Jesus, “Hindi siya ipinanganak na bulag dahil nagkasala siya o ang mga magulang niya. Nangyari iyon para maipakita ang kapangyarihan ng Dios sa pamamagitan ng pagpapagaling sa kanya. Hindi baʼt nagtatrabaho ang tao sa araw dahil hindi na siya makakapagtrabaho sa gabi? Kaya dapat gawin na natin ang mga ipinapagawa ng Dios na nagpadala sa akin habang magagawa pa natin. Sapagkat darating ang araw na hindi na natin magagawa ang ipinapagawa niya.

Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa Juan 9:1-4