Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Juan 19:19-22

Juan 19:19-22 ASND

Pinalagyan ni Pilato ng karatula ang krus ni Jesus, at ganito ang nakasulat: “Si Jesus na taga-Nazaret, ang Hari ng mga Judio.” Nakasulat ito sa mga wikang Hebreo, Latin, at Griego. Maraming Judio ang nakabasa nito, dahil malapit lang sa lungsod ang lugar kung saan ipinako sa krus si Jesus. Nagreklamo ang mga namamahalang pari kay Pilato, “Hindi dapat ‘Hari ng mga Judio’ ang isinulat nʼyo kundi, ‘Sinabi ng taong ito na siya raw ang hari ng mga Judio.’ ” Pero sinagot sila ni Pilato, “Kung ano ang isinulat ko, iyon na.”

Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa Juan 19:19-22