Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Juan 15:9-14

Juan 15:9-14 ASND

Mahal ko kayo gaya ng pagmamahal sa akin ng Ama. Manatili kayo sa aking pag-ibig. Kung sinusunod ninyo ang mga utos ko, mananatili ang pag-ibig ko sa inyo. Katulad ko, sinusunod ko ang utos ng aking Ama, kaya nananatili ang kanyang pag-ibig sa akin. “Sinabi ko sa inyo ang bagay na ito para magalak kayo katulad ko at malubos din ang inyong kagalakan. Ito ang aking utos sa inyo: magmahalan kayo katulad ng pagmamahal ko sa inyo. Wala nang pag-ibig na hihigit pa sa pag-ibig ng isang taong nag-alay ng kanyang buhay para sa kanyang mga kaibigan. Mga kaibigan ko kayo kung sinusunod nʼyo ang aking mga utos.