Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Juan 12:12-15

Juan 12:12-15 ASND

Kinabukasan, nabalitaan ng maraming tao na dumalo sa pista na papunta si Jesus sa Jerusalem. Kaya kumuha sila ng mga palaspas at sinalubong si Jesus. Sumisigaw sila, “Purihin ang Dios! Pagpalain ang dumarating na ito sa pangalan ng Panginoon. Pagpalain ang Hari ng Israel!” Nakakita si Jesus ng isang batang asno at sinakyan niya ito, gaya ng nakasaad sa Kasulatan, “Huwag kayong matakot, mga taga-Zion! Makinig kayo! Paparating na ang inyong Hari na nakasakay sa isang batang asno!”

Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa Juan 12:12-15