Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Juan 1:5-14

Juan 1:5-14 ASND

Ang ilaw na itoʼy nagliliwanag sa kadiliman, at hindi ito nadaig ng kadiliman. Isinugo ng Dios ang isang tao na ang pangalan ay Juan. Isinugo siya upang magpatotoo kung sino ang ilaw, upang sa pamamagitan ng kanyang patotoo ay sumampalataya ang lahat ng tao. Hindi si Juan ang mismong ilaw, kundi naparito siya upang magpatotoo kung sino ang ilaw. Ang tunay na ilaw na nagbibigay-liwanag sa lahat ng tao ay dumating na sa mundo. Naparito siya sa mundo. At kahit na nilikha ang mundo sa pamamagitan niya, hindi siya kinilala ng mundo. Pumunta siya sa sarili niyang mga kababayan, pero tinanggihan siya ng karamihan. Ngunit ang lahat ng tumanggap at sumampalataya sa kanya ay binigyan niya ng karapatang maging anak ng Dios. Naging anak sila ng Dios hindi sa pamamagitan ng pisikal na pagkasilang o dahil sa kagustuhan ng tao kundi dahil sa kalooban ng Dios. Nagkatawang-tao ang Salita at namuhay na kasama natin. Nakita namin ang kadakilaan niya bilang kaisa-isang Anak ng Ama. Puspos siya ng biyaya at pawang katotohanan ang mga sinasabi niya.

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya