Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Jeremias 1:4-9

Jeremias 1:4-9 ASD

Sinabi sa akin ng PANGINOON, “Jeremias, bago kita nilikha sa tiyan ng iyong ina, pinili na kita. At bago ka isinilang, hinirang kita at itinalaga upang maging propeta sa mga bansa.” Sumagot ako, “Makapangyarihang PANGINOON, hindi po ako magaling magsalita, dahil bata pa ako.” Ngunit sinabi ng PANGINOON sa akin, “Huwag mong sabihing bata ka pa. Kinakailangang pumunta ka saan man kita suguin, at sabihin ang anumang ipasasabi ko sa iyo. Huwag kang matakot sa mga tao sapagkat akoʼy kasama mo at tutulungan kita,” sabi ng PANGINOON. Pagkatapos, hinipo ng PANGINOON ang aking bibig at sinabi, “Ibinibigay ko sa iyo ngayon ang aking mga salitang sasabihin mo.