Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Santiago 2:14-17

Santiago 2:14-17 ASND

Mga kapatid, ano bang mapapala ng isang tao kung sabihin niyang mayroon siyang pananampalataya, pero wala naman siyang mabuting gawa? Maliligtas ba siya ng ganyang pananampalataya? Halimbawa, walang maisuot at walang makain ang isang kapatid, at sasabihan mo, “Pagpalain ka ng Dios at hindi ka sana ginawin at magutom,” pero hindi mo naman siya binigyan ng kailangan niya, may nagawa ba itong mabuti? Ganito rin naman ang pananampalataya; kung hindi ito kinakikitaan ng mabuting gawa, wala itong kabuluhan.

Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa Santiago 2:14-17