Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Isaias 6:1-6

Isaias 6:1-6 ASND

Noong taon ng pagkamatay ni Haring Uzia, nakita ko ang PANGINOON na nakaupo sa napakataas na trono. Ang mahabang damit niya ay tumakip sa buong templo. May mga makalangit na nilalang sa gawing ulo niya. Ang bawat isa sa kanila ay may anim na pakpak: Ang dalawang pakpak ay nakatakip sa kanilang mukha, ang dalawa ay nakatakip sa kanilang paa, at ang dalawa ay ginagamit nila sa paglipad. Sinasabi nila sa isaʼt isa: “Banal, Banal, Banal, ang PANGINOONG Makapangyarihan! Ang kapangyarihan niyaʼy sumasakop sa buong mundo.” Sa lakas ng tinig nila, nayanig ang mga pundasyon ng templo at napuno ng usok ang loob ng templo. Sinabi ko, “Nakakaawa ako! Tiyak na mapapahamak ako, dahil akoʼy may makasalanang labi at naninirahan ako sa piling ng mga taong makasalanan din ang mga labi. At ngayon, nakita ko ang Hari, ang PANGINOONG Makapangyarihan.” Pagkatapos, lumipad ang isa sa mga makalangit na nilalang papunta sa akin, may dala siyang baga na kinuha niya sa altar.

Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa Isaias 6:1-6

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya