at kung pinapakain ninyo ang mga nagugutom, at pinupunan ang pangangailangan ng mga dukha, ang inyong liwanag ay magniningning sa kadiliman, at ang inyong kadiliman ay magiging kasing liwanag ng tanghaling-tapat. Palagi kayong papatnubayan ng PANGINOON kayo ay bubusugin, kahit na mahirap ang kalagayan ninyo. Palalakasin niya kayo, at kayoʼy magiging parang halamanang sagana sa tubig at parang bukal na hindi nawawalan ng tubig. Muling itatayo ng inyong mga lahi ang mga lungsod ninyong matagal nang wasak at aayusin nila ang dating mga pundasyon. Makikilala kayo na mga mason ng kanilang mga nagibang pader at mga bahay.
Basahin Isaias 58
Makinig sa Isaias 58
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: Isaias 58:10-12
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas