Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Isaias 55:6-12

Isaias 55:6-12 ASD

Lumapit na kayo sa PANGINOON at tumawag sa kanya habang naririyan pa siya para tulungan kayo. Talikuran na ng mga taong masama ang masasama nilang ugali at baguhin na ang masasama nilang pag-iisip. Magbalik-loob na sila sa PANGINOON na ating Diyos, dahil kaaawaan at patatawarin niya sila. Sinabi ng PANGINOON, “Ang aking kaisipan ay hindi katulad ng inyong kaisipan, at aking kapamaraanan ay hindi katulad ng inyong kapamaraanan, pahayag ng PANGINOON.” “Kung gaano kalayo ang langit sa lupa, ganoon din kalayo ang aking pamamaraan at pag-iisip kaysa sa inyo. Kung paanong ang ulan at nyebe ay nagmumula sa itaas, at hindi bumabalik doon hanggaʼt hindi muna nakapagbibigay ng tubig sa lupa at nakapagpapalago ng mga halaman upang makapagbigay ng binhi at pagkain sa nagtatanim at sa mga tao. Ganyan din ang aking mga salita, hindi ito mawawalan ng kabuluhan. Isasakatuparan nito ang aking ninanais, at isasagawa ang aking layunin kung bakit ko ito ipinadala. Kayo ay hahayo nang masaya mula sa Babilonia at mapayapang papatnubayan ng Diyos. Ang mga bundok at mga burol ay parang mga taong aawit sa tuwa. At ang lahat ng mga puno ay parang mga taong magpapalakpakan.