Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Isaias 43:22-28

Isaias 43:22-28 ASND

“Pero hindi ka humingi ng tulong sa akin, Israel, at ayaw mo na sa akin. Hindi ka na nag-aalay sa akin ng mga tupang handog na sinusunog. Hindi mo na ako pinararangalan ng iyong mga handog kahit na hindi kita pinahirapan o pinagod sa paghingi ng mga handog na regalo at mga insenso. Hindi mo ako ibinili ng mga insenso o pinagsawa sa mga taba ng hayop na iyong mga handog. Sa halip, pinahirapan mo ako at pinagod sa iyong mga kasalanan. “Ako mismo ang naglilinis ng mga kasalanan mo para sa aking karangalan, at hindi ko na iyon aalalahanin pa. Isipin natin ang mga nakaraan. Magharap tayo. Patunayan mong wala kang kasalanan. Nagkasala sa akin ang mga ninuno mo, at nagrebelde sa akin ang iyong mga pinuno. Kaya inilagay ko sa kahihiyan ang iyong mga pari, at ikaw, Israel ay ipinaubaya ko sa kapahamakan at kahihiyan.