Sapagkat ako ang PANGINOON na iyong Dios. Ako ang nagpapalakas sa iyo at nagsasabing huwag kang matatakot dahil tutulungan kita. Kahit na maliit ka at mahina, huwag kang matatakot dahil ako mismo ang tutulong sa iyo. Ako, ang PANGINOON, ang nagsasabi nito. Ako ang iyong Tagapagligtas, ang Banal na Dios ng Israel. Makinig ka! Gagawin kitang parang bagong panggiik, matalim at maraming ngipin. Gigiikin mo at dudurugin ang mga bundok at burol. Gagawin mo ito na parang ipa. Tatahipan mo sila at tatangayin sila ng hangin; ikakalat sila ng malakas na hangin. Pero ikaw ay magagalak sa PANGINOON; magpupuri ka sa Banal na Dios ng Israel.
Basahin Isaias 41
Makinig sa Isaias 41
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: Isaias 41:13-16
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas