Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Isaias 25:6-9

Isaias 25:6-9 ASND

Dito sa Bundok ng Zion, ang PANGINOONG Makapangyarihan ay maghahanda ng isang piging para sa lahat. Masasarap na pagkain at inumin ang kanyang inihanda. At sa bundok ding ito, papawiin niya ang kalungkutan ng mga tao sa lahat ng bansa. Aalisin din ng Panginoong DIOS ang kamatayan at papahirin niya ang mga luha ng lahat ng tao. Aalisin niya ang kahihiyan ng kanyang mga mamamayan sa buong mundo. Mangyayari nga ito dahil sinabi mismo ng PANGINOON. Kapag itoʼy nangyari na, sasabihin ng mga tao, “Siya ang ating Dios! Nagtiwala tayo sa kanya, at iniligtas niya tayo. Siya ang PANGINOON na ating inaasahan. Magalak tayoʼt magdiwang dahil iniligtas niya tayo.”

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya