Nag-usap-usap ang mga taga-Israel. Sabi nila, “Halikayo! Magbalik-loob tayo sa PANGINOON. Sinaktan niya tayo, kaya siya rin ang magpapagaling sa atin. Para tayong mga patay na agad niyang bubuhayin. Hindi magtatagal, at ibabangon niya tayo para mamuhay sa kanyang presensya. Pagsikapan nating makilala ang PANGINOON. Siyaʼy tiyak na darating, kasintiyak ng pagsikat ng araw. Darating siya na parang ulan na didilig sa mga lupain.”
Basahin Hosea 6
Makinig sa Hosea 6
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: Hosea 6:1-3
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas