Isipin nʼyo ang mga tiniis ni Hesus na paghihirap sa kamay ng mga makasalanang tao, upang hindi kayo panghinaan ng loob. Kung tutuusin, wala pa namang pinapatay sa inyo dahil sa pakikipaglaban sa kasalanan. Baka nakalimutan nʼyo na ang pangaral ng Diyos sa inyo bilang mga anak niya: “Anak, huwag mong isawalang-bahala ang pagtutuwid ng Panginoon, at huwag kang panghinaan ng loob kapag sinasaway ka niya. Sapagkat itinutuwid ng Panginoon ang mga minamahal niya, at pinapalo ang mga itinuturing niyang anak.” Tiisin nʼyo ang lahat ng paghihirap bilang pagdidisiplina ng Diyos sa inyo dahil itinuturing niya kayong mga anak. Sino bang anak ang hindi dinidisiplina ng ama? Kung hindi kayo dinidisiplina ng Diyos gaya ng pagdidisiplina niya sa lahat ng anak niya, hindi kayo mga tunay na anak kundi mga anak sa labas. Kahit ang mga ama natin dito sa lupa ay dinidisiplina tayo, at sa kabila nito, iginagalang natin sila. Kaya lalong dapat tayong magpasakop sa pagdidisiplina ng ating Ama na nasa langit, upang maging mabuti ang pamumuhay natin. Sa maikling panahon, dinidisiplina tayo ng mga ama natin dito sa lupa ayon sa inaakala nilang mabuti. Ngunit ang pagdidisiplina ng Diyos ay laging para sa ikabubuti natin upang maging banal tayong gaya niya. Habang dinidisiplina tayo, hindi tayo natutuwa kundi nasasaktan. Ngunit sa bandang huli, magbubunga ito ng mapayapa at matuwid na pamumuhay.
Basahin Mga Hebreo 12
Makinig sa Mga Hebreo 12
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: Mga Hebreo 12:3-11
5 Days
Is it okay to set goals as a Christian? How do you know if a goal is from God or yourself? And what do Christian goals look like, anyway? In this 5-day reading plan, you'll dig into the Word and find clarity and direction on setting grace-fueled goals!
5 Araw
Sa simula at kalagitnaan ng bawat taon, maglaan tayo ng panahon para sa pananalangin at pag-aayuno upang magpakumbaba sa harapan ng Diyos, magtalaga ng ating sarili sa Kanya, at sama-samang sumang-ayon sa pambihirang tagumpay na ibinibigay Niya. Ipinapakita ng Kanyang kamangha-manghang kadakilaan hindi lamang kung gaano Siya kalaki, kundi maging ang kakayahan Niyang magpakumbaba, at magpakababa nang mas mababa pa sa antas natin, upang tayo ay iligtas at paglingkuran.
Need more of God's grace, favor, and blessing? Then pray these five simple prayers of humility, asking the Lord to favor you and help you. He will answer your prayer; He gives grace to the humble! And if you humble yourself before the Lord, He will lift you up.
7 Days
How can we find the right attitude for every situation? What is the right attitude? This seven-day Bible Plan finds answers in the life and teachings of Christ. Let these daily encouragements, reflective prayers, and powerful Scriptures form in you the mind of Christ.
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas