Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Hageo 2:10-13

Hageo 2:10-13 ASND

Nang ika-24 ng ikasiyam na buwan, noong ikalawang taon ng paghahari ni Darius, sinabi ng PANGINOON kay Hageo, “Tanungin mo ang mga pari kung ano ang sinasabi ng kautusan tungkol sa bagay na ito: Halimbawa, may isang tao na may dalang sagradong karne sa kanyang damit, at nasagi ito sa tinapay, sabaw, inumin, langis, o anumang pagkain, maaapektuhan ba ang mga ito ng pagkasagrado ng karne?” Sumagot ang mga pari, “Hindi.” Kaya nagtanong pa si Hageo, “Kung halimbawa, ang mga pagkaing nabanggit ay nasagi ng taong itinuturing na marumi dahil nakahipo siya ng patay, magiging marumi rin ba ang mga pagkaing iyon?” Sumagot ang mga pari “Oo.”