Ang mabuti siguro, gumawa tayo ng kasunduan. Magtayo tayo ng batong magpapaalala sa atin at magpapatunay ng kasunduan natin.” Kaya kumuha si Jacob ng malaking bato at itinayo niya ito bilang alaala. Pagkatapos, inutusan niya ang mga kamag-anak niya na magtumpok ng mga bato. At kumain sila roon sa tinumpok na mga bato. Pinangalanan ni Laban ang tinumpok na mga bato na Jegar Sahaduta. Pero pinangalanan ito ni Jacob na Galeed. Sinabi ni Laban, “Ang mga batong ito na tinumpok ang magpapatunay sa kasunduan nating dalawa.” Ito ang dahilan kung bakit pinangalanan itong tinumpok sa Galeed. Tinawag din iyon na Mizpa, dahil sinabi pa ni Laban, “Nawaʼy ingatan tayo ng PANGINOON sa ating paghihiwalay.
Basahin Genesis 31
Makinig sa Genesis 31
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: Genesis 31:44-49
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas