Ngayon, inalala ng PANGINOON si Sara ayon sa kanyang ipinangako. Nagbuntis si Sara at nanganak ng lalaki kahit matanda na si Abraham. Isinilang ang sanggol sa panahon na sinabi noon ng Dios. Pinangalanan ni Abraham ang sanggol na Isaac. Nang walong araw na ang sanggol, tinuli siya ni Abraham ayon sa iniutos sa kanya ng Dios. Nang ipinanganak si Isaac, 100 taong gulang na si Abraham. Sinabi ni Sara, “Pinatawa ako ng Dios, at kahit sinong makarinig ng tungkol sa nangyari sa akin ay matatawa rin. Sino kaya ang makapagsasabi kay Abraham na makakapagpasuso pa ako ng sanggol? Pero nagkaanak pa ako kahit matanda na siya.”
Basahin Genesis 21
Makinig sa Genesis 21
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: Genesis 21:1-7
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas