Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Genesis 2:4-9

Genesis 2:4-9 ASND

Ito ang salaysay tungkol sa paglikha ng Dios sa kalangitan at sa mundo. Nang likhain ng PANGINOONG Dios ang mundo at ang kalangitan, wala pang tanim sa mundo at wala pang binhi ng anumang halaman ang nabubuhay, dahil hindi pa siya nagpapaulan at wala pang tao na mag-aalaga ng lupa. Pero kahit wala pang ulan, ang mga bukal sa mundo ang siyang bumabasa sa lupa. Nilikha ng PANGINOONG Dios ang tao mula sa lupa. Hiningahan niya sa ilong ang tao ng hiningang nagbibigay-buhay. Kaya ang tao ay naging buhay na nilalang. Pagkatapos, nilikha rin ng PANGINOONG Dios ang isang halamanan sa Eden, sa bandang silangan, at doon niya pinatira ang tao na nilikha niya. At pinatubo ng PANGINOONG Dios ang lahat ng uri ng puno na magagandang tingnan at may masasarap na bunga. Sa gitna ng halamanan ay may puno na nagbibigay ng buhay, at may puno rin doon na nagbibigay ng kaalaman kung ano ang mabuti at masama.

Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa Genesis 2:4-9

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya