Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Genesis 13:12-18

Genesis 13:12-18 ASND

Si Abram ay nagpaiwan sa Canaan habang si Lot naman ay naroon sa mga lungsod ng kapatagan. Nagtayo si Lot ng mga tolda malapit sa Sodom. Ang mga tao sa Sodom ay talamak na makasalanan. Labis ang pagkakasala nila laban sa PANGINOON. Nang nakaalis na si Lot, sinabi ng PANGINOON kay Abram, “Mula sa kinatatayuan mo, tingnan mong mabuti ang paligid. Ang lahat ng lupain na maaabot ng paningin mo ay ibibigay ko sa iyo at sa mga lahi mo, at magiging inyo ito magpakailanman. Pararamihin ko ang lahi mo na kasindami ng buhangin sa mundo. Ang buhangin ay hindi kayang bilangin, kaya ang mga lahi mo ay hindi rin mabibilang. Lumakad ka at ikutin ang buong lupain dahil ibibigay ko itong lahat sa iyo.” Kaya inilipat ni Abram ang tolda niya, at doon siya nanirahan malapit sa malalaking puno ni Mamre roon sa Hebron, at gumawa siya roon ng altar para sa PANGINOON.

Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa Genesis 13:12-18