Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Exodus 40:34-38

Exodus 40:34-38 ASND

Pagkatapos ng lahat ng ito, binalot ang Toldang Tipanan ng makapangyarihang presensya ng PANGINOON na nasa anyo ng isang ulap. Hindi makapasok si Moises sa Tolda dahil nababalot ito ng makapangyarihang presensya ng PANGINOON na nasa anyong ulap. Kapag pumaitaas ang ulap mula sa Tolda at umalis, umaalis din ang mga Israelita sa pinagkakampuhan nila. Pero kung hindi, hindi rin sila umaalis. Ang ulap na sumisimbolo sa presensya ng PANGINOON ay nasa itaas ng Tolda kapag araw, at nag-aapoy naman ito kapag gabi para makita ng lahat ng Israelita habang naglalakbay sila.