Nang sinabi ni Moises sa mga tao ang lahat ng itinuro at iniutos ng PANGINOON, sabay-sabay silang sumagot, “Susundin namin ang lahat ng sinabi ng PANGINOON.” At isinulat ni Moises ang lahat ng sinabi ng PANGINOON. Kinaumagahan, bumangon si Moises at nagpatayo ng altar sa may paanan ng bundok, at naglagay siya ng 12 haliging bato na kumakatawan sa 12 lahi ng Israel. Pagkatapos, inutusan niya ang mga kabataang lalaki na mag-alay sa PANGINOON ng mga handog na sinusunog at mag-alay din ng mga toro bilang handog para sa mabuting relasyon sa PANGINOON. Kinuha ni Moises ang kalahati ng dugo at inilagay ito sa mga mangkok at iwinisik sa altar ang kalahati. Kinuha rin niya ang Aklat ng Kasunduan at binasa ito sa mga tao. At sumagot ang mga tao, “Susundin namin ang lahat ng sinabi ng PANGINOON. Susundin namin siya.” Pagkatapos, kinuha niya ang dugo sa mga mangkok at iwinisik ito sa mga tao, at sinabi, “Ito ang dugo na nagpapatibay sa kasunduan na ginawa ng PANGINOON sa inyo nang ibigay niya ang mga utos na ito.”
Basahin Exodus 24
Makinig sa Exodus 24
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng Bersyon: Exodus 24:3-8
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas