Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mga Taga-Efeso 3:8-13

Mga Taga-Efeso 3:8-13 ASD

Kahit ako ang pinakahamak sa lahat ng mga mananampalataya, ipinagkaloob pa rin sa akin ng Diyos ang pribilehiyong ipangaral sa mga Hentil ang hindi masukat na biyayang galing kay Kristo, at ipaliwanag sa lahat kung paano maisasakatuparan ang plano ng Diyos. Noong unaʼy inilihim ito ng Diyos na lumikha ng lahat ng bagay, upang sa pamamagitan ng iglesya ay maipahayag ngayon sa mga namumuno at may kapangyarihan sa kalangitan ang karunungan niyang nahahayag sa ibaʼt ibang paraan. Ito na ang plano niya sa simula pa lang, at natupad niya ito sa pamamagitan ni Kristo Hesus na Panginoon natin. Sa pananampalataya natin kay Kristo Hesus at pakikipag-isa sa kanya, tayo ngayon ay malaya nang makakalapit sa Diyos nang walang takot o pag-aalinlangan. Kaya huwag sana kayong panghinaan ng loob dahil sa mga paghihirap na dinaranas ko, dahil ito sa ikabubuti ninyo.