Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Deuteronomio 6:10-12

Deuteronomio 6:10-12 ASND

“Dadalhin kayo ng PANGINOON na inyong Dios doon sa lupain na ipinangako niya sa inyong mga ninuno na sina Abraham, Isaac, at Jacob. Malaki ang lupaing ito at may maunlad na mga lungsod na hindi kayo ang nagtayo. May mga bahay din ito na puno ng mabubuting bagay na hindi kayo ang naghirap, may mga balon na hindi kayo ang naghukay, at mga ubasan at mga puno ng olibo na hindi kayo ang nagtanim. At kung makakain na kayo at mabusog, siguraduhin ninyo na hindi ninyo makakalimutan ang PANGINOON na naglabas sa inyo sa Egipto kung saan kayo inalipin.