Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Deuteronomio 17:14-20

Deuteronomio 17:14-20 ASND

“Kapag nakapasok na kayo sa lupaing ibinibigay ng PANGINOON na inyong Dios at maangkin na ninyo iyon at doon na kayo manirahan, sasabihin ninyo, ‘Pumili tayo ng hari na mamumuno sa atin katulad ng mga bansa sa palibot natin.’ Siguraduhin ninyo na ang pipiliin ninyong hari ay ang pinili rin ng PANGINOON na inyong Dios, at kailangang katulad ninyo siyang Israelita. Huwag kayong pipili ng dayuhan. Hindi dapat mag-ipon ng maraming kabayo ang hari ninyo, at hindi niya dapat pabalikin sa Egipto ang mga tauhan niya para bumili ng mga kabayo, dahil sinabi ng PANGINOONG Dios sa inyo na huwag na kayong babalik doon. Hindi siya dapat magkaroon ng maraming asawa dahil baka tumalikod siya sa PANGINOON. At hindi dapat siya nagmamay-ari ng maraming pilak at ginto. “Kung uupo na siya sa trono bilang hari, kailangan niyang kopyahin ang mga kautusang ito para sa kanyang sarili sa harapan ng mga pari na mga Levita. Dapat niya itong ingatan at laging basahin sa buong buhay niya para matuto siyang gumalang sa PANGINOON na kanyang Dios, at masunod niya nang mabuti ang lahat ng sinasabi ng mga kautusan at mga tuntunin. Sa pamamagitan din ng laging pagbabasa nito, makakaiwas siya sa pagyayabang sa kapwa niya Israelita, at makakaiwas siya sa pagsuway sa mga utos ng PANGINOON. Kung susundin niyang lahat ito, maghahari siya at ang kanyang angkan nang matagal sa Israel.