Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Deuteronomio 10:18-20

Deuteronomio 10:18-20 ASND

Ipinagtatanggol niya ang karapatan ng mga ulila at mga biyuda. Minamahal niya ang mga dayuhan at binibigyan sila ng pagkain at mga damit. Kaya mahalin din ninyo ang mga dayuhan, dahil mga dayuhan din kayo noon sa Egipto. Igalang ninyo ang PANGINOON na inyong Dios at paglingkuran ninyo siya. Manatili kayo sa kanya at sumumpa kayo sa pangalan lang niya.