Kaya baguhin ninyo ang mga puso ninyo at huwag nang patigasin ang mga ulo ninyo. Sapagkat ang PANGINOON na inyong Dios ay Dios ng mga dios at PANGINOON ng mga panginoon. Makapangyarihan siya at kamangha-manghang Dios. Wala siyang pinapanigan at hindi siya tumatanggap ng suhol. Ipinagtatanggol niya ang karapatan ng mga ulila at mga biyuda. Minamahal niya ang mga dayuhan at binibigyan sila ng pagkain at mga damit. Kaya mahalin din ninyo ang mga dayuhan, dahil mga dayuhan din kayo noon sa Egipto.
Basahin Deuteronomio 10
Makinig sa Deuteronomio 10
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: Deuteronomio 10:16-19
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas