Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Gawa 27:33-36

Gawa 27:33-36 ASND

Nang madaling-araw na, pinilit silang lahat ni Pablo na kumain. Sinabi niya, “Dalawang linggo na kayong naghihintay na lumipas ang bagyo, at hindi pa kayo kumakain. Kaya kumain na kayo upang lumakas kayo, dahil walang mamamatay sa inyo kahit isa.” Pagkatapos magsalita ni Pablo, kumuha siya ng tinapay, at sa harapan ng lahat ay nagpasalamat siya sa Dios. Pinira-piraso niya ang tinapay at kumain. Lumakas ang kanilang loob at kumain silang lahat.