Ngunit binuhay siya ng Dios at iniligtas mula sa kapangyarihan ng kamatayan, dahil ang totoo, kahit ang kamatayan ay walang kapangyarihang pigilan siya. Ito ang sinabi ni David na para rin sa kanya, ‘Alam kong ang Panginoon ay lagi kong kasama at hindi niya ako pinapabayaan, kaya hindi ako nangangamba. Kaya masaya ako, at hindi mapigil ang aking pagpupuri sa Dios. At kahit mamatay ako, may pag-asa pa rin ako. Sapagkat alam kong hindi mo ako pababayaan doon sa libingan. Hindi mo rin hahayaang mabulok ang iyong tapat na lingkod. Itinuro mo sa akin ang daan patungo sa buhay, at dahil sa palagi kitang kasama, masayang-masaya ako.’
Basahin Gawa 2
Makinig sa Gawa 2
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: Gawa 2:24-28
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas