Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mga Gawa 10:19-23

Mga Gawa 10:19-23 ASD

Habang pinag-iisipan ni Pedro kung ano ang ibig sabihin ng kanyang nakita, sinabi ng Espiritu sa kanya, “May tatlong taong naghahanap sa iyo. Tumayo ka at bumabâ. Huwag kang mag-alinlangang sumáma sa kanila, dahil ako ang nagsugo sa kanila.” Bumaba si Pedro at sinabi sa mga tao, “Ako ang hinahanap ninyo. Ano ang kailangan ninyo sa akin?” Sumagot sila, “Inutusan kami rito ni Kapitan Cornelio. Matuwid siyang tao at may takot sa Diyos. Iginagalang siya ng lahat ng Hudyo. Sinabihan siya ng isang banal na anghel na anyayahan ka sa kanyang bahay upang marinig niya kung ano ang iyong sasabihin.” Kaya pinatuloy sila ni Pedro upang doon magpalipas ng gabi.